NAGNINGNING ang kagandahan ng Beauty Queen-Actress na si Kylie Verzosa sa red carpet, sa opening night ng 77th Cannes Film Festival.
Dumalo si Kylie sa screening ng opening film na “The Second Act,” kasama ang star-studded audience na kinabibilangan nina Meryl Streep at Heidi Klum.
Ito na ang ikalawang appearance ni Kylie sa Cannes Film Festival Red Carpet.
Ang una niyang pagdalo ay noong opening ceremony ng 76th Edition ng prestihiyosong event.