ISANG indibidual na may aktibong warrant of arrest sa kasong panggagahasa ang inaresto noong Hulyo 7, 2025 bandang 3:30 ng hapon sa Calbayog City Police Station sa Brgy. Bagacay.
Personal na nagpunta sa Calbayog CPS ang suspek na si alyas “Zen”, 26 na taong gulang, magsasaka at residente ng Purok 7 Brgy. Cagmanipis Norte Calbayog City para kumuha ng National Police Clearance.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Habang prinoproseso ang clearance, napag-alaman na si alyas ” Zen” ay may aktibong warrant of arrest sa kaso ng panggagahasa kaugnay sa RA 7610 na inisyu ng RTC Branch 49, Cataingan, Masbate noong Oktubre 6, 2023 at walang inirekomendang piyansa.
Samantala, pansamantalang nasa kustodiya sa detention facility ng Calbayog CPS at inaasikaso na ang pag-turn over sa korte ng pinanggalingan ng kaso sa Cataingan, Masbate.
