Pinaghahandaan na ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Bahrain na una nilang kakaharapin sa 19th Asian Games sa hHangzhou (hang-jow), China.
Sa pagsasanay ng Philippine Team sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, sinabi ni Coach Tim Cone na maliban sa Jordan at Thailand ay kailangan ding paghandaan ng Pilipinas ang Bahrain.
Aniya, tinalo ng Bahrain ang Kazakhstan at tinambakan ng 30 points, habang ang Indonesia ay tinambakan ng 25 points. Ang Bahrain ay pinangungunahan ng dating PBA import na si Wayne Chism.