NAGSAGAWA ng ground breaking ceremony ang Cambodia para sa kontrobersyal na Funan Techno Canal na pinondohan ng China.
Sa kabila ito ng environmental concerns at pangambang masira ang relasyon ng Cambodia sa katabing bansa nito na Vietnam.
ALSO READ:
Dating energy minister ng Ukraine, ikinulong matapos magtangkang lumabas ng bansa
Pag-iwas sa hateful words best fasting sa Lenten Season – Pope Leo
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Ang 1.7-billion dollar, 180-kilometer canal ay planong i-konek ang kabisera na Phnom Penh sa probinsya ng Kep sa South Coast ng bansa, para magkaroon ng access sa Gulf of Thailand.
Binigyang diin sa proyekto ang ginagampanang outside role ng China sa politika at ekonomiya ng Cambodia.
Pinangangambahan naman na maaapektuhan ng canal ang daloy sa Mekong River, kung saan kinukuha ng milyon-milyong katao mula sa anim na bansa ang kanilang kinakaing isda at nagpapatatag sa kanilang agrikultura.
