NAKAHUKAY ang militar ng mga armas na pag-aari ng New People’s Army (NPA) sa bulubunduking bahagi ng Barangay Canca-Iyas, sa bayan ng Basey, sa Samar.
Sa report ng 63rd Infantry Battalion, nahukay ng mga sundalo ang isang M1 garand rifle at pinagbabawal na anti-personnel mine.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ayon Kay Lt. Col. Eduardo Meclat Jr., Commander ng 63rd IB, narekober ang mga armas makaraang ituro ng mga sumuko at nahuling rebelde mula sa Bugsok Platoon.
Inihayag naman ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade na ang patuloy na pagkakatuklas sa mga ibinaong armas ng npa ay malaking dagok sa insurhensiya, dahil pinahihina ng military operations ang kapasidad ng mga rebelde na ipagpatulong ang kanilang armadong pakikibaka.
