TINATAYANG lilikha ng halos 2 billion dollars na Revenue ang Philippine Pharmaceutical Industry ngayong taon, dahil sa patuloy na suporta ng pamahalaan sa Fast-Growing Sector.
Ayon sa Board of Investments (BOI), inaasahang lalago ang Pharmaceutical Sector sa Annual Rate na 4.1 percent hanggang sa 2029.
Inihayag ng BOI na ang Upward Trend ay bunsod ng tumataas na Demand sa Generic Drugs dahil sa mga hakbang ng gobyerno para mas maging abot-kaya at Accessible ang Healthcare sa lahat ng Pilipino.