UUSAD ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa Round of 16 ng 2025 Jingshan Tennis Open matapos padapain si Aliona Falei ng Belarus.
Sa katatapos lamang na Match, pinabagsak ng bente anyos na Pinay ang bente uno anyos na Belarusian Opponent sa score na 6-3, 7-5.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Si Eala ang Top Seed sa WTA 125 Tournament.
Tumagal ang match sa pagitan nina Eala at Falei ng isang oras at limampu’t isang minuto
Sunod na makakasagupa ng Pinay tennis star sa Round of 16, ang mananalo sa First Round Match sa pagitan nina Mei Yamaguchi at Hong Yi Cody Wong.
