PATULOY ang pagbuhos ng biyaya matapos isiwalat ng stand up comedian na si Ate Gay na mayroong siyang stage 4 cancer.
Sa Facebook, ibinahagi ni Ate Gay na nakatakda siyang sumailalim sa chemotherapy at radiation therapy sa Asian Hospital and Medical Center, sa tulong ng isang anonymous donor na tinawag niya na kanyang “Angel.”
ALSO READ:
Barbie Imperial, nilinaw na walang “bad blood” sa pagitan nila ni Sarah Lahbati
Ex-couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence, pinakilig ang fans sa mga TikTok videos at livestreams
Steven Spielberg, nakamit ang Coveted Egot Status sa pamamagitan ng pagkapanalo sa Grammy 2026
British singer na si Olivia Dean, wagi ng Best New Artist sa Grammys 2026
Pinasalamatan din ng komedyante ang mga patuloy na nananalangin para sa kanyang paggaling.
Sa kanyang post, sinabi ni Ate Gay na naghahanap siya ng condo o apartment unit na marerentahan sa loob ng 35 days, malapit sa ospital kapag nagsimula na ang kanyang gamutan.
Noong Lunes naman ay isang doktor na nagpakilalang fan ang sorpresang bumisita sa komedyante.
