NA-detect ng canada ang kanilang kauna-unahang presumptive case ng H5 Bird Flu in a person, sa katauhan ng isang teenager sa Western Province of British Columbia, ayon sa Health Officials.
Ayon sa Provincial Government, maaring nakuha ng teenager ang virus mula sa ibon o hayop, at ngayon ay ginagamot na sa isang Children’s Hospital.
Iniimbestigahan na rin ang source of exposure at hinahanap na ang mga nakasalamuha ng pasyente.
Sa kabila naman nito ay binigyang diin ni Canadian Health Minister Mark Holland, na nananatiling mababa ang banta ng panganib ng H5 Bird Flu sa publiko.