Pinangunahan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa kauna-unahan nitong Mobile Soil Laboratory (MSL).
Isinagawa ang aktibidad sa Malakanyang na pinangunahan ng DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM).
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu laurel, ang state-of-the-art 10-wheeler truck na ito ay may kapasidad na mag-analyze ng 42 soil parameters.
Kaya nitong magbigay ng real-time soil data na makakatulong upang mapabuti ang paggamit ng fertilizer at mapalakas ang ani sa mga sakahan.
Magsisimula itong i-operate sa San ildefonso, Bulacan.
Pinuri naman ni Laurel ang BSWM sa patuloy nilang pagpapaunlad ng mga pasilidad. Inaasahang bibili pa ang DA ng 16 na MSL units na ipapadala naman sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.