Ang pop star na si Taylor Swift ang itinanghal bilang All-Time Top Winner sa Billboard Music Awards (BBMA).
Si Swift ang may hawak ngayon ng highest record sa kasaysayan ng BBMA na mayroong 49 wins.
ALSO READ:
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Pumapangalawa kay Swift ang Canadian rapper and singer na si Drake na mayroon namang 39 wins.
Ayon sa article ng Billboard, sa kanilang awards ceremony ngayong taon, nanalo si Swift ng 10 bagong tropeo at kabilang dito ang Top Artist, Top Female Artist, at Top Billboard 200 Artist.
Ito rin ang ikalawang taon na nanalo si Swift ng 10 award mula sa BBMA. Anim na beses na din siyang nagwagi bilang Top Female Artist at pitong beses na bilang Top Billboard 200 Artist.
