16 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Kathryn Bernardo, kinumpirmang hiwalay na sila ni Daniel Padilla

KINUMPIRMA ni Kathryn Bernardo na hiwalay na sila ni Daniel Padilla matapos ang labing isang taon nang pagiging magkasintahan.

Sa kanyang statement sa Instagram, kahapon, Nov. 30, pinasalamatan ni Kathryn si Daniel sa pag-aalaga ng totoong relasyon, na kailanman ay hindi palabas lang.

Sinabi ng aktres na totoong minahal nila ang isa’t isa, sabay silang lumaki at nangarap, at natupad ang marami sa mga ito nang sila pa ring dalawa.

Gayunman, inamin ni Kathryn na nitong mga nakalipas na buwan ay nahirapan sila ni Daniel sa pagsisikap na isalba ang kanilang relasyon.

Nagkalayo aniya sila at kinailangan nilang tanggapin na hindi na nila maibabalik ang dati.

Humingi rin ng paumanhin ang aktres sa loyal supporters ng “KATHNIEL” kung nasaktan sila sa kanyang ibinalita.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *