5 July 2024
Calbayog City
Metro

Katawan ng batang nahulog sa imburnal sa Caloocan City, natagpuan na!

katawan

Natagpuan na ng mga otoridad ang katawan ng tatlong-taong gulang na bata na nahulog sa imburnal sa Caloocan City.

Ayon sa Caloocan City Government, ang batang lalaki ay nahulog sa imburnal sa bahagi ng Brgy. 176 Sabado (Oct. 14) ng gabi.

Nagsagawa ng drilling ang mga tauhan ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Engineering Department (CED), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), at City Environmental and Management Department (CEMD) sa drainage na nakakunekta sa imburnal kung saan nahulog ang bata.

Araw ng linggo nang makita ang bangkay ng paslit.

Nagpaabot ng pakikiramay si Caloocan City Mayor Along Malapitan sa pamilya ng bata.

Inatasan din nito ang City Social Welfare and Development na tumulong sa lahat ng kailangan ng pamilya lalo na sa counseling.

Sasagutin na din ng City Government ang burol at pagpapalibing sa bata.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *