Aabot sa P136.1 milyong ayuda ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Niño sa Samar at Leyte.
Sa Samar, nagbigay si Pangulong Marcos ng monetary support ng P50 milyon sa Provincial Government of Samar; P19.3 milyon sa Provincial Government of Eastern Samar; at P25.9 milyon sa Provincial Government of Northern Samar.
Binigyan din ni Pangulong Marcos ng tig P10,000 ang halos 9,000 benepisyaryo.
Sa Palo, Leyte, namahagi naman si Pangulong Marcos ng P17 milyon sa Provincial Government of Leyte, P13.6 milyon sa Provincial Government of Biliran at P10.3 milyon sa Provincial Government of Southern Leyte.
Namahagi rin ang Pangulo ng tig P10,000 sa mga piling benepisyaryo.
Maliban san 10K cash grant, may hiwalay din na tig-sampung kilong bigas ang ipinamudmod ng Provincial Government ng Samar para sa mga benepisyaryo nito.
Nagbigay din ng ibat ibang tulong ang Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).