PATULOY ang pagtupad ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa kanyang pangako na palalawakin ang early childhood education sa lungsod.
Kamakailan ay pinangunahan ni Mayor Mon ang inagurasyon sa isang bagong Daycare Center sa Barangay Cabatuan.
ALSO READ:
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Ang ribbon-cutting ceremony ay sinundan ng blessing mula kay Rev. Father Francis Uy.
Bunsod nito, umakyat na sa isandaan limampu’t anim ang kabuuang bilang ng Daycare Centers sa Calbayog City mula sa walumpu nang magsimula ang kanyang termino.
Siniguro rin ng alkalde na bawat Daycare Centers ay mayroong 42-inch smart TVs.
