27 March 2025
Calbayog City
Local

Karagdagang 7.78 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Eastern Visayas Development Council para sa susunod na taon

TINAYA sa 7.78 billion pesos na halaga ng mga proyekto mula sa walong ahensya at tertiary schools ang inendorso ng Regional Development Council (RDC) para bigyan ng karagdagang pondo para sa 2025, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA).

Ang mga proyektong ito ay ikinunsidera para maisama sa listahan ng 2025 Priority Programs, Projects, and Activities sa Eastern Visayas, bukod pa sa 149.56 billion pesos na halaga ng PPAS na naunang inaprubahan ng RDC para pondohan ng central government.

Mula sa 7.78 billion pesos na PPAS, 424 million pesos ay para sa DSWD; 90 million pesos para sa Philippine Science High School; 130 million pesos para sa Eastern Visayas State University; 257.81 million pesos para sa Southern Leyte State University; at 431.98 million pesos para sa Leyte Normal University.

Kasama rin ang 4.63 billion pesos para sa Department of Information and Communications Technology; 774.55 million pesos para sa Department of Agriculture; at 1.04 billion pesos para sa Eastern Visayas Medical Center.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).