Patay ang barangay captain sa Claveria, Cagayan matapos maaksidente ang kanilang sasakyan sa bayan ng Alcala.
Idineklarang dead-on-arrival si Jesus Calatican, 54-anyos at kapitan ng Barangay Lablabig sa Claveria, habang sugatan ang siyam na kasama niya sa sasakyan kabilang ang dalawang menor de edad.
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Ayon kay Herome Ibarra, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Alcala, papuntang Isabela ang mga biktima mula sa bayan ng Claveria nang maaksidente ang sasakyan ng barangay lulan ang mga biktima.
Nang makarating ang mga biktima sa pakurbang bahagi ng daan ay dumiretso ito na sanhi nang pagkahulog ng sasakyan na minamaneho mismo ng kapitan.
Ayon kay Ibarra, madaling araw ng Biyernes, July 18 nang mangyari ang insidente at marahil ay hindi kabisado ng kapitan ang daan.
