ISUSULONG ng kampo ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdismis sa kasong Crimes Against Humanity, bago pa man ang susunod na hearing ng International Criminal Court (ICC) sa Sept. 23.
Sinabi ni Dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque na intensyon nila na bigyang diin ang epekto ng umano’y pag-kidnap sa Dating Pangulo, maging ang jurisdictional issues dahil nag-withdraw na ang Pilipinas mula sa ICC.
Naniniwala si Roque na posibleng bago dumating ang Sept. 23 ay ma-dismiss na ang kaso laban kay Duterte.
Idinagdag ng dating opisyal na hinihintay pa nila ang pirma ng dating pangulo sa mga kinakailangang dokumento upang opisyal siyang maisama bilang legal counsel sa kaso na nag-ugat mula sa madugong war on drugs ng Duterte Administration.