21 June 2025
Calbayog City
National

Daily subsistence allowance ng mga sundalo, itinaas ni Pangulong Marcos sa 350 pesos mula sa 150 pesos

ITINAAS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang subsistence allowance ng mga opisyal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Presidential Communications Office, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order 84, na nagtataas sa daily subsistence allowance ng uniformed personnel sa 350 pesos mula sa 150 pesos.

Ang naturang increase sa allowance ay retroactive, simula January 1, ngayong taon.

Nakasaad sa order na ang kasalukuyang AFP subsistence allowance na huling inadjust noong 2015 ay hindi na sapat para masuportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng aktibong sundalo.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.