INANUNSYO ng COMELEC na inaasahang maku-kumpleto ang ballot verification sa April 20 hanggang 21, kasunod ng pag-imprenta sa 53 million official ballots para sa halalan 2025.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na uunahin nila ang malalayong lugar bago ang malalapit sa pag-verify.
Aniya, pagsapit ng April 15 hanggang 20 ay ang Metro Manila at iba pang mga kalapit na lugar ang ibe-verify nilang mga balota.
Idinagdag ng poll chief na ang distribusyon ng verified ballots ay magsisimula sa ikalawang linggo ng Abril.
Ipinaliwanag din ng COMELEC na mayroong dalawang stage ang verification process na kinabibilangan ng manual verification by personnel at machine verification.