ILANG lanes ng Commonwealth Avenue Eastbound sa Quezon City ang pansamantalang isinara, kahapon, para bigyang daan ang konstruksyon sa Metro Rail Transit line 7 (MRT 7) project.
Kabilang sa naapektuhang lanes ay malapit sa University Avenue patungong Fairview.
Dahil ito sa rafters o beams na ikinabit gamit ang cranes para sa footbridge na madurugtong sa MRT Tandang Sora Station.
Binuksan naman ang zipper lane para sa mga motorista na patungong Fairview, gamit ang isang portion ng Commonwealth Avenue papuntang Quezon City Memorial Circle.