Tikom pa rin ang bibig ng bandang Kamikazee matapos silang palayasin ni Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor.
Nag-viral ang istorya nang pagpapauwi ni Governor Hamor sa Kamikazee na nakatakda sanang mag-perform sa fiesta ng Casiguran noong linggo.
Sa kalagitnaan ng concert ng ilang banda, umakyat sa stage ang gobernador para ianunsyo ang pagpapauwi niya sa Kamikazee, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa mga manonood na hindi na makapagtatanghal ang banda.
Hindi sinabi ni Governor Hamor ang eksaktong ginawa ng Kamikazee subalit binastos daw ng naturang banda ang mga taga-Sorsogon. Idinagdag din ng gobernador na may “attitude” ang Kamikazee at hindi na makakabalik ang mga ito sa Sorsogon.