KINUMPIRMA ni Kai Sotto na napunit ang kanyang ACL kasunod ng insidente nang matalo ang Koshigaya sa Mikawa sa Japan B. League noong weekend.
Inanunsyo ng 7-foot-3 bruiser ang balita, kahapon, sa pamamagitan ng kanyang social media account.
Sinabi ni Sotto na hindi maganda ang pagsisimula ng kanyang taon, at posibleng ito ang darkest day ng kanyang basketball career.
Inamin din ng bente dos anyos Pinoy cager na nahihirapan siyang tanggapin ang tinamong injury.
Dahil dito, malabongng makapaglaro si Sotto sa nalalapit na pagsabak ng Gilas Pilipinas sa third and final window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.