14 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Rufa Mae Quinto, sumuko sa NBI kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng Pasay Court

SUMUKO ang aktres na si Rufa Mae Quinto sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kasong kinakaharap nito kasunod ng arrest warrant na inilabas ng korte sa Pasay.

Pasado ala singko umaga kahapon nang lumapag ang Philippine Airlines flight na sinakyan ni Rufa Mae, kasama ang kanyang pamilya, mula sa San Francisco, California sa U-S.

Ayon sa kay NBI International Airport Investigation Chief Jimmy de Leon, nakipag-ugnayan ang abogado ng aktres sa kanila para sa boluntaryo nitong pagsuko.

Isinailalim muna si Rufa Mae sa medico-legal examination bago dinala sa Pasay Regional Trial Court.

Nahaharap ang komedyante sa kasong may kinalaman sa isyu ng Dermacare, na kaparehong kumpanya na kinasangkutan din ng actress-entrepreneur na si Neri Naig.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).