Suportado ng TRABAHO Partylist ang pagpasa ng House Bill 8039 o ang “Green Lanes for Strategic Investments Act,” isang hakbang na layong pasiglahin ang mga foreign investments at magbigay-daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ayon sa partido, ang nasabingpanukalang batas ay magsisilbing susi sa mabilis narecovery at paglago ng ekonomiya.
Layunin ng HB 8039 na lumikha ng mga “green lanes” para sa mga investment sa mga mahahalagang sektor tulad ng imprastruktura, teknolohiya, pagmamanupaktura, at renewable energy. Sa ilalim ng panukala, ang mgakumpanya sa mga stratehikong industriya ay makikinabangmula sa mas pinadaling proseso ng mgaapproval, mas kaunting mga regulasyon, at isangbusiness-friendly na environment.
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang HB 8039 ay hindi lamang maghihikayat ng mga kinakailangang dayuhang kapital, kundi magdudulot din ng libu-libong trabaho para sa mgaPilipino.
“Ang panukalang batas na ito ay isang mahalaganghakbang upang makalikha ng isang kapaligiran para samga investment na hindi lamang efficient, kundi patas at inklusibo para sa mga manggagawang Pilipino,” ani Atty. Espiritu. “Sa pamamagitan ng pagpapadali ng proseso ng mga approval, mas pinadali natin ang pagpasok ng mga negosyo dito na magreresulta sa mas maraming trabaho, pag-develop ng kasanayan, at pagpapabuti ng kabuhayanng ating mga kababayan.”
Binigyang-diin pa ni Atty. Espiritu na magsusulong ang TRABAHO Partylist ng mga sapat na safeguards upangmaprotektahan ang lokal na empleyo at matiyak na ang mga Pilipino ang mauunang mabigyan ng mga bagongtrabaho, lalo na sa mga lugar na mayroong sapat na lokalna workforce na kayang punan ang mga posisyon.
“Isusulong namin na magtakda ng malinaw narequirement ang mga dayuhang mamumuhunan namagpatupad ng isang workforce development plan na magbibigay-priyoridad sa mga manggagawang Pilipino, partikular sa mga skilled at unskilled na trabaho,” dagdagni Atty. Espiritu. “Magmumungkahi rin kami na ang mga kumpanyang makikinabang sa Green Lanes program ay magtakda ng minimum na porsyento ng kanilangworkforce na ipagkakaloob sa mga lokal na manggagawa, lalo na sa mga lugar na may mataas na unemployment.”
Mahalaga rin, ayon kay Atty. Espiritu, na matiyak na ang mga benepisyo mula sa mga investment ay madama ng karaniwang Pilipino, partikular ang mga manggagawa namakikinabang mula sa mga bagong oportunidad satrabaho.
Bukod pa rito, inaasahan din ng TRABAHO Partylist naang Green Lanes for Strategic Investments Act ay magpapalakas sa transparency at accountability ng mgaproseso sa gobyerno, na ayon sa kanila ay mahalagaupang mapanatili ang tiwala ng publiko at hikayatin ang pangmatagalang pamumuhunan sa bansa.