BINISITA ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Mobile Registration Unit ng Local Civil Registry Office, sa Joggers Covered Court sa Barangay East Awang.
Direktang inilapit sa komunidad ang mahalagang inisyatibo upang makapaghatid ng kinakailangang registration services, upang matiyak ang accessibility para sa senior citizens na walang birth certificates at mga batang hanggang anim na taong gulang.
Sinerbisyuhan ng Mobile Unit ang mga residente ng mga Baragay East Awang, West Awang, Aguit-itan, Balud, Hamorawon, at Nijaga, upang mapadali ang proseso sa pagkuha ng mahalagang dokumento.
Ang presensya ni Mayor Mon sa naturang aktibidad ay patunay ng commitment ng lungsod sa epektibong pagsisilbi sa mga Calbayognon.