NAGPASALAMAT si Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. sa grupo ng mga rice millers, importers, at maging sa Philippine National Police (PNP) sa kanilang tulong para makapagbigay ng abot-kayang bigas sa mga consumer.
Sa pulong kasama ang mga rice importer kung saan tinalakay ang mga ipatutupad na hakbang para sa mas maayos na presyuhan ng bigas, ipinaabot ni Tiu ang pasasalamat sa mga rice millers at importers sa kanilang aktibong papel para masuportahan ang KADIWA ng Pangulo Rice-for-All rolling stores sa Metro Manila.
DepEd, tiniyak ang paghihigpit sa SHS Voucher Program
DSWD, balik na sa pag-iisyu ng Guarantee Letters
Jan. 9, idineklarang Special Non-Working Day sa Maynila; Gun Ban, ipatutupad sa lungsod simula Jan. 8 hanggang 10 kaugnay ng pista ng Nazareno
Alert Level 3, itinaas sa Mayon Volcano; mga residente sa 3 barangay sa Camalig, sisimulan nang ilikas
Sa KADIWA ng Pangulo Rice-for-All rolling stores, ibinebenta ang well-milled rice sa halagang P40 at P45 per kilo.
Sa ngayon mayroong 26 na KADIWA rolling stores at kiosks sa mga public markets at sa ialng istasyon ng MRT at LRT.
Plano ding magdagdag pa ng KADIWA rolling stores sa iba pang major public markets sa National Capital Region (NCR). (DDC)
