Bandang 4:43 ng umaga ng Enero 31, 2024 araw ng miyerkules ng sumiklab ang apoy sa Purok 1 Brgy. Capoocan, Calbayog City, Samar.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP Calbayog may kabuuang 31 kabahayan ang naapektuhan, 27 dito ay tinupok ng apoy at ang 4 ay bahagyang nasunog.
Tinatayang nasa 35 pamilya ang naapektuhan ng sunog at aabot sa 560,000.00 pesos ang halaga ng pinsala.
Dineklarang fire under control ng 5:05 at fire out ng 6:16 ng umaga.
Samantala, isa naman ang nagtamo ng second degree burn sa kanyang noo at pisngi na agad namang binigyang medikal na lunas at ang may ari ng bahay ay agad na dinala sa ospital sanhi ng hyperventilation.
Patuloy ang imbestigaayon ng BFP Calbayog sa naging sanhi ng sunog.