LUBOS ang pasasalamat ni Paolo Contis sa kanyang ex-wife na si Lian Paz at sa mister nito na si John Cabahug dahil sa maayos na pagpapalaki sa kanyang mga anak na sina Xalene at Xonia.
Sinabi ng aktor na tiniyak nina Lian at John na lumaking magalang ang mga anak, at mahusay ang naging pagpapalaki nila sa mga bata.
Inihayag ni Paolo na nagpapasalamat siya dahil tinanggap siyang muli ng kanyang mga anak bilang bahagi ng kanilang pamilya.
Sa ngayon kasi aniya ay nasa edad na kanyang dalawang anak, kaya makikinig lamang siya sa mga ito at gagabayan.
Ibinida pa ni paolo na kamakailan lang ay nanood sila nina Xalene, Xonia, Lian, at John ng concert ng Blackpink.
Gayunman, mahabang proseso aniya ang kanilang pinagdaanan bago nila narating kung anuman ang estado ng kanilang relasyon ngayon.




