Dinarayo ng mga estudyante ang Julio Cardinal Rosales Plaza (dating Sacred Heart Plaza) dahil sa libreng Wi-Fi.
Kabilang sa mga dumayo sa plaza ang isang estudyante mula sa Northwest Samar State University (NwSSU), para magsagawa ng online research sa isa niyang subject sa paaralan.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Ang Julio Cardinal Rosales Plaza ay kabilang sa public areas sa lungsod na mayroong libreng Wi-Fi, na bahagi ng hakbang upang palawakin ang internet coverage.
Noong Marso ay na-secure ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang commitment mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para maglagay ng libreng Wi-Fi sa labinsiyam na public locations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Sa pinakahuling update, plano ng DICT na palawakin ang serbisyo ng libreng Wi-Fi sa malalayong barangay mula sa sentro ng Calbayog City.
