31 January 2025
Calbayog City
National

Joint patrols sa West Philippine Sea, ‘Sapat’ para sa mas nakararaming Pinoy, ayon sa Survey

MAYORYA ng mga Pilipino ang naniniwala na sapat ang mga hakbang ng administrasyon upang matugunan ang mga isyu sa West Philippine Sea.

Sa June 23 to July 1 Social Weather Stations (SWS) survey na kinomisyon ng Stratbase, 60 percent ng mga pinoy ang nagsabing sapat ang ginagawang joint patrols at military exercises ng pamahalaan, kasama ang mga kaalyadong bansa.

Sa kaparehong survey na nilahukan ng 1,500 respondents, lumitaw na 72 percent ng mga Pilipino ang sang-ayon na bumuo ang Pilipinas ng alyansa sa ibang mga bansa pagdating sa pagtatanggol sa ating teritoryo.

Matatandaang nagsagawa ang Pilipinas ng iba’t ibang joint patrols sa West Philippine Sea, kasama ang mga tropa mula sa Amerika, Australia, Japan, at France, sa gitna ng mga agresibong aksyon ng Chinese Forces sa West Philippine Sea.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.