POSIBLENG tumaas ng 10 hanggang 20 percent ang presyo ng itlog habang papalapit ang pagbubukas ng mga klase, ayon sa Department of Agriculture.
Batay sa DA-Bantay Presyo, naglalaro ang presyo ng medium size na itlog sa Metro Manila sa 5 pesos and fifty centavos hanggang 9 pesos.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa na bukod sa “Ber” Months, karaniwan ding tumataas ang demand sa itlog kapag school opening.
Gayunman, inihayag ng Philippine Egg Board Association na noong nakaraang buwan pa sumipa ang presyo ng itlog sa ilang mga lugar, bunsod ng epekto ng “Third Quarter Syndrome” o disease outbreak period, kung saan apektado ang mortalities ng layers at bumaba ang produksyon ng itlog.