MAGPAPATUPAD ang Philippine National Police (PNP) ng tatlong araw na gun ban sa Metro Manila, bilang bahagi ng security measures para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, July 22.
Magsisimula ang suspensyon ng lahat ng permits to carry firearms outside of residence sa National Capital Region, 12:01 a.m. ng July 20 hanggang 12:01 a.m. ng July 23.
Nakasaad sa advisory ng PNP na ang naturang hakbang ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa naturang event.
Nasa dalawampu’t dalawanlibong miyembro ng pambansang pulisya ang magbabantay sa SONA, kabilang ang animnalibong ipakakalat malapit sa Batasang Pambansa kung saan ilalahad ni Pangulong Marcos ang kanyang ulat sa bayan.