14 November 2025
Calbayog City
Local

Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan

ISINAILALIM sa State of Calamity ang mga lalawigan ng Northern at Eastern Samar kasunod ng malawak na pinsalang iniwan ng Super Typhoon Uwan.

Inanunsyo ng Northern Samar Provincial Government na inaprubahan noong Miyerkules ni Governor Harris Ongchuan, chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang rekomendasyon na magdeklara ng State of Calamity. 

Sa tala ng PDRRMC, aabot sa 94,199 ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Uwan mula sa 548 na mga barangay, na karamihan ay mula sa mga munisipalidad ng Biri, Laoang, at Rosario.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).