Magkahalong emosyon ang naramdaman ng comedienne-actress na si Janna Dominguez.
Isinilang ni Janna ang kanyang baby boy na pinangalanan niyang Leon, sa kaparehong araw na pumanaw ang kanyang 20-year old daughter na si Yzabel.
Sa Instragram, ibinahagi ng aktres ang litrato ng kanyang baby boy at ang burol ni Yzabel na tila ipinakikilala niya ang dalawang anak sa isa’t isa.
Noong linggo ay malungkot na ibinalita ni Janna ang pagpanaw ng kanyang anak na babae, pati na ang detalye ng burol nito.
Sumunod na araw ay ibinahagi naman niya na binawian ng buhay si Yzabel bunsod ng “sudden heart failure” at “lung infection.”