7 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Janine Gutierrez, magpo-produce ng documentary para sa kanyang lola na si Pilita Corrales

ISANG documentary sa buhay ng “Asia’s Queen of Songs” na si Pilita Corrales ang ikinakasa, sa tulong ng kanyang apo na si Janine Gutierrez bilang isa sa mga producer.

Sa kanyang Instagram post, ibinida ni Janine na kasama nila sa project para sa kanyang mamita ang Award-Winning Director na si Baby Ruth Villarama, na nag-direk din ng documentary na “Sunday Beauty Queen.”

Sinabi ng aktres na sa tingin niya ay responsibilidad niyang tumulong sa pag-preserve ng amazing legacy ng kanyang mamita.

Ang otsenta’y kwatro anyos na si Pilita ay sumikat noong 1960s bilang singer, at pinasok din niya ang telebisyon at pelikula.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *