22 April 2025
Calbayog City
Sports

Josh Ybañez ng UST, itinanghal na MVP sa ikalawang sunod na season ng UAAP Men’s Volleyball

SA ikalawang sunod  na season, itinanghal ang explosive spiker ng University of Santo Tomas na si Josh Ybañez bilang Most Valuable Player (MVP) ng UAAP Men’s Volleyball.

Ang Golden Spiker Star, na may average na 23.5 points sa elimination round, ay ginawaran ng Season 86 MVP trophy matapos pangunahan ang UST sa ikalawang sunod na championship appearance.

Tinalo ni Ybañez ni Nico Almendras ng National University para sa top individual honor ng liga.

Sa Season 85, nasungkit din ni Ybanez ang MVP, pati na ang Rookie of the Year, para tanghaling ikalawang player na  nagkamit ng parehong karangalan sa Men’s Division, kasunod ni Marck Espejo ng Ateneo De Manila University noong Season 76.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *