UMABOT sa 15.78 billion pesos ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Eastern Visayas noong nakaraang taon.
Lagpas ito sa 15.34 billion pesos na target para sa taong 2024, pati na sa nakolekta nito noong 2023.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ayon kay BIR Eastern Visayas Director Edith Yap, nalagpasan ng kanilang Regional Office ang 13.15 billion pesos na total collection noong 2023, matapos tumaas ang koleksyon ng lahat ng anim na revenue district offices sa rehiyon.
Pang-apat ang Eastern Visayas sa dalawampu’t dalawang revenue regional offices, pagdating sa tax collection performance noong nakaraang taon.
