PALAISIPAN pa rin ang cause of death ng legendary actor na si Gene Hackman, misis niyang si Betsy Arakawa, at isa sa kanilang mga aso, na pawang natagpuang patay sa kanilang bahay sa Santa Fe, sa New Mexico.
Sa inisyal na pagsusuri, walang senyales ng carbon monoxide poisoning sa katawan nina Hackman at Arakawa.
Ayon sa county sheriff, batay sa datos mula sa pacemaker ng aktor, nasa sampung araw nang patay ang veteran actor nang matagpuan.
Isang german shepherd din ang natagpuang patay malapit sa katawan ni Arakawa.
Hindi rin umano nakitaan ang mag-asawa ng anumang bakas ng external trauma.
Ipinaliwanag ni Sheriff Adan Mendoza na hindi pa rin tukoy ang dahilan ng ikinamatay ng mag-asawa bunsod ng maraming nakabinbing autopsy at toxicology reports, kaya posibleng abutin pa ito ng tatlong buwan o mas matagal pa.