NATAKASAN ng Rain or Shine ang TNT Tropang Giga sa score na 103-98 sa game 3 ng kanilang semifinals series, sa Araneta Coliseum.
Dahil dito, nabawasan ang hahabuling kulang ng Elasto Painters, sa kanilang PBA Commissioner’s Cup Showdown laban sa Tropang Giga.
Mayroon nang dalawang panalo ang TNT sa semis habang nakaisa pa lamang ang Rain or Shine.
Apat na players ang naka-score ng double digits para sa Elasto Painters, sa pangunguna ng import na si Deon Thompson na nakagawa ng 19 points at 15 rebounds.