MALAPIT nang simulan ang pag-develop sa Babatngon Port para maging Regional Transshipment Hub, ayon sa Regional Development Council (RDC).
Batay sa resulta ng Feasibility Study, sinabi ng RDC na uumpisahan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang konstruksyon ng 934.206 million pesos na port sa Babatngon, Leyte.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sa statement, inihayag ng RDC na ang proyekto ay technically feasible at economically viable, base sa feasibility study na isinagawa ng Gammacon Builders Inc.
Inirekomenda sa pag-aaral ang pagtatayo ng New Babatngon Port sa bagong lokasyon na matatagpuan sa Carigara Bay.
Inendorso ng RDC ang pag-aaral para sa Eastern Visayas Regional Trasnsshipment Hub noong 2017, subalit July 2023 na ng simulan ang pag-aaral tungkol dito at nakumpleto naman nito lamang May 2024.
