Libo-libong pasahero ang inaasahang makikinabang araw-araw matapos ganap na ilunsad ang Love Bus Libreng Sakay sa Metro Cebu.
Ayon kay Department of Transportation Secretary Vince Dizon, ito ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang iconic Love Bus at gawin itong libre para mabawasan ang gastusin ng mga komyuter.
Ayon sa kalihim, bago ang paglulunsad ng Love Bus, gumagastos ang mga pasahero ng P30 na pamasahe one-way o P60 kada araw.
Inaasahang aabot sa 2,462 na commuter at 44 na operators at drivers ang makikinabang araw-araw sa biyahe ng 11 Love Bus sa rutang Talisay City/Anjo World hanggang Cebu City at vice versa.
Ang libreng sakay sa mga Love Bus ay mula alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.