Isang pares ng Philippine eagles ang inilipat sa Burauen, Leyte bilang bahagi ng programa ng Philippine Eagle Foundation upang dumami ang kanilang populasyon sa kagubatan.
Sinabi ni Dr. Jayson Ibañez, Director for Operations ng PEF, na ito ang unang pagkakataon na naglipat ng mga agila sa Visayas mula sa Mindanao.
ALSO READ:
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Aniya, ang inilipat na pares ang magpaparami ng populasyon ng Philippine eagles sa Mount Anonang Lobi na pangunahing biodiversity area sa Leyte.
Pinangalanan ang mga agila na Uswag at Carlito na kapwa sumailalim sa ilang buwang rehabilitasyon sa Philippine Eagle Center.
Huling namataan ang pares ng mga agila sa Leyte noong 2007 at noong 2012 bago tumama ang super typhoon yolanda noong 2013.
