NAKIISA si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program Redemption Day ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Calbayog City Sports Center.
Ang aktibidad ay isang malaking hakbang sa layunin ng pamahalaan na matugunan ang food insecurity at matiyak ang kapakanan ng mahihirap na pamilya sa lungsod.
ALSO READ:
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Ang presensya ni Mayor Mon sa event ay patunay ng kanyang commitment na suportahan ang mga inisyatiba ng DSWD at masigurong magtatagumpay ang Food Stamp Program.
Nagpasalamat ang alkalde sa pagsisikap ng programa na magbigay ng food assistance sa mga nangangailangan, upang mabawasan ang kagutuman at maisulong ang food security sa komunidad.
