5 July 2024
Calbayog City
National

“Ipaglaban natin ang atin,” — Sen. Bong Go

bong go

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go, vice chairperson ng Senate National Defense Committee ang kahalagahan na maprotektahan ang soberanya at territorial integrity ng bansa. 

“My previous position d’yan, kung ano po ang atin ay atin. What is ours is ours. Ipaglaban po natin kung ano po ang atin,” ayon sa senador. 

Ginawa ni Go ang pahayag kasunod ng ginawang pagbaklas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa floating barrier na inilagay ng barko ng China sa Bajo de Masinloc. 

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Go sa ginagawang hakbang ng pamahalaan partikular ng PCG at ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa usapin. 

“Na-clear na ba? Dapat lang. Kung ano nga po ang atin ay atin ‘yun, ‘wag nating hayaang nakaharang d’yan ang mga barriers. Kung agrabyado naman tayo, kung ano nga po ang atin, ipaglaban po natin. What is ours is ours,” ayon pa sa senador. 

Eliminating the barrier has heightened tensions between the Philippines and China, with the latter asserting ownership of more than 90% of the commonly referred to as ‘South China Sea’.

Suportado din ni Go ang utos ng pangulo na baklasin ang barrier. 

Kamakailan ay kinondena ng senador ang mga napaulat na insidente ng pangha-harass ng China sa pinag-aagawang teritoryo partikular sa bahagi ng Ayungin Shoal. 

“Dapat po ay respetuhin ang ating karapatan. Kung ano ang karapatan natin na mag-resupply tayo, atin po ‘yon, karapatan po natin ‘yun. Ipaglaban po natin ang ating karapatan,” ani Go. 

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *