8 July 2024
Calbayog City
Entertainment

International band na The Corrs, balik Pilipinas makalipas ang mahigit 20 taon

BUMALIK sa Pilipinas ang Irish Family band na The Corrs makalipas ang dalawampu’t dalawang taon at nagtanghal sila ng one-of-a-kind display of music at nostalgia sa Araneta Coliseum, sa Quezon City.

Ang unang show sa two-night concert na tumagal ng dalawang oras para sa mahigit sampung kanta ay nagdulot sa mga Pilipino ng pakiramdam na nagbalik sa kanilang kabataan.

Sinimulan ng Quartet nina Andrea, Jim, Caroline, at Sharon Corr ang kanilang concert sa kanilang 1997 single na “Only When I Sleep”, na tumanggap ng hiyawan mula sa mga manonood.

Pinili ng The Corrs para sa kanilang panghuling kanta ang kanilang hit song na “Breathless” na isa sa kanilang pinakasikat na kanta ay paborito rin ng maraming Pinoy fans.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *