ARESTADO ang isang lalaki sa Navotas dahil sa umano’y panggagahasa sa kanyang panganay na anak, kasama ang dalawa pang kamag-anak.
Ayon kay Police Major Dandy Ferriol Jr., Hepe ng PNP Maritime Group NCR North Station, nag-arkila ng motor banca ang lalaki mula Navotas fish port para itawid ng Bulacan.
Nahaharap ang suspek sa Qualified Rape Charges sa Leyte bunsod ng pagkakasangkot sa gang rape sa kanyang anak na noon ay menor de edad.
Sinabi ni Ferriol na bukod sa ama, kabilang din sa akusado ang step father ng biktima at isa pang tiyuhin na kanila nang nahuli.




