NAKAPAGTALA ang Quezon City Government ng apatnapu’t tatlong kaso ng Leptospirosis, noong huling linggo ng Hulyo.
Lagpas ito sa Epidemic Threshold ng lungsod, kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng sunod-sunod na bagyo, pati na Habagat.
Ayon sa Epidemiology and Surveillance Division ng Quezon City Health Department, umabot na sa isandaan pitumpu’t walo ang naitalang Leptospirosis Cases sa lungsod simula Enero hanggang Hulyo.
Mas mataas ito ng dalawampu’t tatlong porsyento kumpara sa mga naitalang kaso, sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga residente na na-expose sa baha na uminom ng Prophylaxis, kabilang ang Doxycycline na libre sa lahat ng animnapu’t anim na Health Centers sa Quezon City.