NAGSAGAWA ng collaborative meeting sa pagitan ng mga opisyal ng Samar at Northern Samar.
Dinaluhan ito ng mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineering Offices mula sa dalawang lalawigan, 803rd Brigade ng Philippine Army sa pangunguna ni Gen. Efren Morados, Representatives Stephen James Tan at Reynolds Michael Tan, at Governor Sharee Ann Tan.
Tinalakay sa nasabing pulong ang implementasyon ng mga plano at programa ng peace and prosperity road map upang makamtan ang minimithing kapayapaan at kaunlaran sa mga lalawigan.