NAG-alok ang ilang hotel sa Calbayog City ng libreng kwarto para sa mga guest performer sa Charter Day Celebration ng lungsod.
Ito ang inanunsyo ni Vice Mayor Rex Daguman sa event planning meeting, kasama ang department heads sa Sanggunian Panlungsod Session Hall.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Sinabi ni Daguman na ilang hotels ang lumapit sa kanyang tanggapan para ipabatid ang naturang alok.
Pinapurihan ng Bise Alkalde ang hakbang ng hotel na nagpakita ng kanilang suporta at kumpiyansa sa mga pagsisikap ng lungsod na mapagbuti ang kanilang events tourism.
Sa Street Party noong 2023, mahigit doble ang room occupancy sa maraming hotels kumpara sa mga sinundan nitong taon.
Sa October 16 ay ipagdiriwang ng calbayog ang Cityhood Anniversary nito na may temang “Pagbulig, Paghigugma, ug Pakaurusa.”
